Saturday, September 23, 2017

"Ala-alang Wala Na"

Bakit nga ba ako nagmamahal?
Bakit sa huli ako rin ang nasasaktan?
Siyempre Human Nature
Natural lang sa tao ang magmahal ng magmahal
pati maling tao minahal ko rin

Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko
Nagkulang ba'ko sayo?
O kulang pa ba?
Yung pagmamahal na binigay ko sayo?
Mahal ramdam mo naman diba?
Pero bakit ganun?
Naghanap ka ng iba.
Sana una palang sinabi mo na
Para hindi ako umasa
na tayo'y magtatagal

Mahal tinanong kita
Kung suko ka na?
Ang sabi mo hindi kasi mahal kita
Pero bakit ganun paggising ko
wala kana sa tabi ko at may mahal kanang iba
At masakit makitang hawak ka na ng iba
Para bang walang hinto ang pagtulo
ng aking luha

Mahal naaalala mo pa ba?
Nung tayo'y masaya at magkasama pa?
Na tayo'y nangako pa sa isa't-isa?
Na walang iwanan
Pero nasan na ang mga pangako mong
ngayon ay napako na
Hanggang sa dumating tayo sa puntong
tinanong kitang muli
Mahal, kaya mo ba akong mawala
sa buhay mo?
Hinintay ko ang sagot mo
Pero tumalikod ka at sabay ng pagbagsak
ng iyong kamay ang pagsabi mo ng
tapos na tayo
Hinabol kita ng hinabol
hanggang sa makarating ako sa sinaryo
na yakap mo na pala
Yung babaeng pumalit sa pwesto ko
Halos sumabog ako sa oras na yun
Gusto ko kayong sugurin
Pero mas pinili kong lumayo ng lumayo
hanggang sa tuluyan akong maglaho
Parang sa ating pinagsamahan
na unti-unting naglaho

Mahal nasaktan ako wala kang paki
Umiyak ako wala kang paki
Pero mahal salamat ng dahil sayo
natutunan kong tanggapin
ang aking pagkatalo
Nang dahil sayo natutunan kong kumain
ng iisang subo
At nang dahil sayo namulat ako
sa katotohanang walang ako at ikaw
sa mundong aking ginagalawam
At namulat rin ako sa katotohanang
wala na kong titulo sa buhay mo
Dahil ang lahat ng meron tayo noon
ay parang isinulat sa isang papel na nasunog
at ito'y naging abo at isa na lamang ala-alang
kailanma'y di na maibabalik




No comments:

Post a Comment