Labis ang pasasalamat sa Diyos
na siyang gumawa ng buhay
Sapagkat si Ama't Ina ang responsableng
kasama sa tuwina
Na ikaw diyos ama ang kanilang sandigan
sa tuwi-tuwina
At kami'y pinalaki na sayo'y may takot at habag
Salamat Ama, salamat Ina
Sa mga sakripisyo niyong kailanma'y di matatawaran
Sa paggabay, pag-alalay at pag-aarugang inyong inialay
mula nang kami'y maisilang
hanggang sa kami'y magkamalay
Pangaral niyo'y di nawala at patuloy na dumidikta
Sa aming mga isip at pusong pinuno nyo ng pagmamahalan
Pagmamahal na ipinadama at walang kapantay
Dahil kayo ang nag-iisang mahal naming magulang
Magulang na siyang nagtiis, naghirap, at sumalo sa lahat ng pasakit
"Balewala ang lahat ng hirap masiguro lamang
na ang buhay ng aming mga anak ay mapabuti"
At yan ang kanilang sabi
Mangapal man ang mga palad nila sa sakit at pagod
Tumagaktak man sa bilis ang kanilang mga pawis at dugo
Sumakit man ang kanilang buong katawan
dahil sa trabaho
Wala ni mahinang daing dulot ng sakit na sakanila'y aming maririnig
At mas piniling magtiis at itago sa amin
nang ang pagkabahala nami'y mawaglit
Maraming salamat po aming Ama't Ina
Lalo na sa pagmamahal niyong tunay
Sa mga sakripisyo na inyong inialay
At hayaang kaming pawiin ang lahat
Mga hirap at iniindang sakit na inyong bitbit
Ang pagmamahal namin ang siyang ipapalit
Patawad sa mga ibinigay naming sakit
Sakit sa inyong mga ulo't isip
Na minsa'y naging suwail
Ngunit andiyan pa rin kayo
At kami'y hindi nyo itinakwil
Bagkos kami'y inyong itinuwid
at iminulat sa daang matuwid
Salamat Inay at Itay
No comments:
Post a Comment