Buhay ko'y di mo ipinagkait
Hinayaang ako'y mabuhay ng may ngiti
Sa kabila ng mga karanasang may pait
Pagmamahal mo'y patuloy na
ipinadadama sa akin
Pagkakasalang aking bitbit
Inako mo't sinagip
mula sa kasalanang lagi kong nauulit
Ngunit pinapatawad mo parin ng maraming ulit
Kahit kamatayan mo man ang kapalit
Pagmamahal sa'kin ang iyong dininig
At kamay ko'y hinawakan mo ng kay higpit
Landas ko may minsang naglakbay
sa maling direksiyon
Hinabol mo parin at binago
Bumulong sa akin, sabay turo ng tamang direksiyon
Hanggang sa masilayan ang isang liwanag
Liwanag na siyang nagbigay pag-asa
At siyang nagligtas sakin
mula sa kapahamakan
Kaya heto ako ngayon Ama
Buo at may matatag na paniniwala
Sayo'y lubos na NAGPAPASALAMAT
Sa mga biyayang sa aki'y ipinalasap
At sa kaligtasang iyong binigyang siguridad
Mula sa kasamaan at kasalanang mapanglinlang
Salamat Ama, Mabuhay ka!
MABUHAY!
Sunday, October 8, 2017
Saturday, September 30, 2017
"Ang Dakilang Mga Magulang"
Labis ang pasasalamat sa Diyos
na siyang gumawa ng buhay
Sapagkat si Ama't Ina ang responsableng
kasama sa tuwina
Na ikaw diyos ama ang kanilang sandigan
sa tuwi-tuwina
At kami'y pinalaki na sayo'y may takot at habag
Salamat Ama, salamat Ina
Sa mga sakripisyo niyong kailanma'y di matatawaran
Sa paggabay, pag-alalay at pag-aarugang inyong inialay
mula nang kami'y maisilang
hanggang sa kami'y magkamalay
Pangaral niyo'y di nawala at patuloy na dumidikta
Sa aming mga isip at pusong pinuno nyo ng pagmamahalan
Pagmamahal na ipinadama at walang kapantay
Dahil kayo ang nag-iisang mahal naming magulang
Magulang na siyang nagtiis, naghirap, at sumalo sa lahat ng pasakit
"Balewala ang lahat ng hirap masiguro lamang
na ang buhay ng aming mga anak ay mapabuti"
At yan ang kanilang sabi
Mangapal man ang mga palad nila sa sakit at pagod
Tumagaktak man sa bilis ang kanilang mga pawis at dugo
Sumakit man ang kanilang buong katawan
dahil sa trabaho
Wala ni mahinang daing dulot ng sakit na sakanila'y aming maririnig
At mas piniling magtiis at itago sa amin
nang ang pagkabahala nami'y mawaglit
Maraming salamat po aming Ama't Ina
Lalo na sa pagmamahal niyong tunay
Sa mga sakripisyo na inyong inialay
At hayaang kaming pawiin ang lahat
Mga hirap at iniindang sakit na inyong bitbit
Ang pagmamahal namin ang siyang ipapalit
Patawad sa mga ibinigay naming sakit
Sakit sa inyong mga ulo't isip
Na minsa'y naging suwail
Ngunit andiyan pa rin kayo
At kami'y hindi nyo itinakwil
Bagkos kami'y inyong itinuwid
at iminulat sa daang matuwid
Salamat Inay at Itay
na siyang gumawa ng buhay
Sapagkat si Ama't Ina ang responsableng
kasama sa tuwina
Na ikaw diyos ama ang kanilang sandigan
sa tuwi-tuwina
At kami'y pinalaki na sayo'y may takot at habag
Salamat Ama, salamat Ina
Sa mga sakripisyo niyong kailanma'y di matatawaran
Sa paggabay, pag-alalay at pag-aarugang inyong inialay
mula nang kami'y maisilang
hanggang sa kami'y magkamalay
Pangaral niyo'y di nawala at patuloy na dumidikta
Sa aming mga isip at pusong pinuno nyo ng pagmamahalan
Pagmamahal na ipinadama at walang kapantay
Dahil kayo ang nag-iisang mahal naming magulang
Magulang na siyang nagtiis, naghirap, at sumalo sa lahat ng pasakit
"Balewala ang lahat ng hirap masiguro lamang
na ang buhay ng aming mga anak ay mapabuti"
At yan ang kanilang sabi
Mangapal man ang mga palad nila sa sakit at pagod
Tumagaktak man sa bilis ang kanilang mga pawis at dugo
Sumakit man ang kanilang buong katawan
dahil sa trabaho
Wala ni mahinang daing dulot ng sakit na sakanila'y aming maririnig
At mas piniling magtiis at itago sa amin
nang ang pagkabahala nami'y mawaglit
Maraming salamat po aming Ama't Ina
Lalo na sa pagmamahal niyong tunay
Sa mga sakripisyo na inyong inialay
At hayaang kaming pawiin ang lahat
Mga hirap at iniindang sakit na inyong bitbit
Ang pagmamahal namin ang siyang ipapalit
Patawad sa mga ibinigay naming sakit
Sakit sa inyong mga ulo't isip
Na minsa'y naging suwail
Ngunit andiyan pa rin kayo
At kami'y hindi nyo itinakwil
Bagkos kami'y inyong itinuwid
at iminulat sa daang matuwid
Salamat Inay at Itay
Friday, September 29, 2017
"KAIBIGANG TUNAY"
Kaibigan, kaibigan, kaibigan
Isang salitang binubuo ng walong letra
Na aking pinanghahawakan kasama niya
Salitang masarap ulit-ulitin at itawag
sa tunay kong kaibigan
Kaibigang laging nariyan
Kasama sa mga panahong masaya't
may lokohan
Lokohang minsa'y nauuwi sa tampuhan
na hindi naman nagtatagal at muling magkakabutihan
Sapagkat kami'y nagsumpaang kainlanma'y
hindi mag-iiwanan
Na kahit mag-away man kami
Sa dulo'y magkakampi pa rin
Magkasangga at magkaagapay na lagi
Dahil SIYA ay AKO, AKO ay SIYA
At kami ay IISA
Kaibigan ko, kaibigang tapat
Handang makinig sa hinaing
ng kaniyang kaibigan
Sa hirap at ginhawa
kaibiga'y makakasama
Nagsilbing panyo sa tuwing kaibiga'y lumuluha
At magkunwaring isang payaso
masilayan lamang ang ngiti ng kaibigan
Kaibigan maraming salamat
Masaya ako't ikaw ay naging kaibigan
Kaibigang karamay ko sa lahat
At iparamdam sa aking di ako nag iisa
Dahil meron akong kaibigang mapagmahal
Mapagmalasakit at hindi mang-iiwan
Salamat sayo oh aking kaibigang tunay
Isang salitang binubuo ng walong letra
Na aking pinanghahawakan kasama niya
Salitang masarap ulit-ulitin at itawag
sa tunay kong kaibigan
Kaibigang laging nariyan
Kasama sa mga panahong masaya't
may lokohan
Lokohang minsa'y nauuwi sa tampuhan
na hindi naman nagtatagal at muling magkakabutihan
Sapagkat kami'y nagsumpaang kainlanma'y
hindi mag-iiwanan
Na kahit mag-away man kami
Sa dulo'y magkakampi pa rin
Magkasangga at magkaagapay na lagi
Dahil SIYA ay AKO, AKO ay SIYA
At kami ay IISA
Kaibigan ko, kaibigang tapat
Handang makinig sa hinaing
ng kaniyang kaibigan
Sa hirap at ginhawa
kaibiga'y makakasama
Nagsilbing panyo sa tuwing kaibiga'y lumuluha
At magkunwaring isang payaso
masilayan lamang ang ngiti ng kaibigan
Kaibigan maraming salamat
Masaya ako't ikaw ay naging kaibigan
Kaibigang karamay ko sa lahat
At iparamdam sa aking di ako nag iisa
Dahil meron akong kaibigang mapagmahal
Mapagmalasakit at hindi mang-iiwan
Salamat sayo oh aking kaibigang tunay
Saturday, September 23, 2017
"Ala-alang Wala Na"
Bakit nga ba ako nagmamahal?
Bakit sa huli ako rin ang nasasaktan?
Siyempre Human Nature
Natural lang sa tao ang magmahal ng magmahal
pati maling tao minahal ko rin
Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko
Nagkulang ba'ko sayo?
O kulang pa ba?
Yung pagmamahal na binigay ko sayo?
Mahal ramdam mo naman diba?
Pero bakit ganun?
Naghanap ka ng iba.
Sana una palang sinabi mo na
Para hindi ako umasa
na tayo'y magtatagal
Mahal tinanong kita
Kung suko ka na?
Ang sabi mo hindi kasi mahal kita
Pero bakit ganun paggising ko
wala kana sa tabi ko at may mahal kanang iba
At masakit makitang hawak ka na ng iba
Para bang walang hinto ang pagtulo
ng aking luha
Mahal naaalala mo pa ba?
Nung tayo'y masaya at magkasama pa?
Na tayo'y nangako pa sa isa't-isa?
Na walang iwanan
Pero nasan na ang mga pangako mong
ngayon ay napako na
Hanggang sa dumating tayo sa puntong
tinanong kitang muli
Mahal, kaya mo ba akong mawala
sa buhay mo?
Hinintay ko ang sagot mo
Pero tumalikod ka at sabay ng pagbagsak
ng iyong kamay ang pagsabi mo ng
tapos na tayo
Hinabol kita ng hinabol
hanggang sa makarating ako sa sinaryo
na yakap mo na pala
Yung babaeng pumalit sa pwesto ko
Halos sumabog ako sa oras na yun
Gusto ko kayong sugurin
Pero mas pinili kong lumayo ng lumayo
hanggang sa tuluyan akong maglaho
Parang sa ating pinagsamahan
na unti-unting naglaho
Mahal nasaktan ako wala kang paki
Umiyak ako wala kang paki
Pero mahal salamat ng dahil sayo
natutunan kong tanggapin
ang aking pagkatalo
Nang dahil sayo natutunan kong kumain
ng iisang subo
At nang dahil sayo namulat ako
sa katotohanang walang ako at ikaw
sa mundong aking ginagalawam
At namulat rin ako sa katotohanang
wala na kong titulo sa buhay mo
Dahil ang lahat ng meron tayo noon
ay parang isinulat sa isang papel na nasunog
at ito'y naging abo at isa na lamang ala-alang
kailanma'y di na maibabalik
Bakit sa huli ako rin ang nasasaktan?
Siyempre Human Nature
Natural lang sa tao ang magmahal ng magmahal
pati maling tao minahal ko rin
Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko
Nagkulang ba'ko sayo?
O kulang pa ba?
Yung pagmamahal na binigay ko sayo?
Mahal ramdam mo naman diba?
Pero bakit ganun?
Naghanap ka ng iba.
Sana una palang sinabi mo na
Para hindi ako umasa
na tayo'y magtatagal
Mahal tinanong kita
Kung suko ka na?
Ang sabi mo hindi kasi mahal kita
Pero bakit ganun paggising ko
wala kana sa tabi ko at may mahal kanang iba
At masakit makitang hawak ka na ng iba
Para bang walang hinto ang pagtulo
ng aking luha
Mahal naaalala mo pa ba?
Nung tayo'y masaya at magkasama pa?
Na tayo'y nangako pa sa isa't-isa?
Na walang iwanan
Pero nasan na ang mga pangako mong
ngayon ay napako na
Hanggang sa dumating tayo sa puntong
tinanong kitang muli
Mahal, kaya mo ba akong mawala
sa buhay mo?
Hinintay ko ang sagot mo
Pero tumalikod ka at sabay ng pagbagsak
ng iyong kamay ang pagsabi mo ng
tapos na tayo
Hinabol kita ng hinabol
hanggang sa makarating ako sa sinaryo
na yakap mo na pala
Yung babaeng pumalit sa pwesto ko
Halos sumabog ako sa oras na yun
Gusto ko kayong sugurin
Pero mas pinili kong lumayo ng lumayo
hanggang sa tuluyan akong maglaho
Parang sa ating pinagsamahan
na unti-unting naglaho
Mahal nasaktan ako wala kang paki
Umiyak ako wala kang paki
Pero mahal salamat ng dahil sayo
natutunan kong tanggapin
ang aking pagkatalo
Nang dahil sayo natutunan kong kumain
ng iisang subo
At nang dahil sayo namulat ako
sa katotohanang walang ako at ikaw
sa mundong aking ginagalawam
At namulat rin ako sa katotohanang
wala na kong titulo sa buhay mo
Dahil ang lahat ng meron tayo noon
ay parang isinulat sa isang papel na nasunog
at ito'y naging abo at isa na lamang ala-alang
kailanma'y di na maibabalik
Friday, September 22, 2017
"Tanggap Ko Na, Matagal Na"
Tanggap ko na
Oo, tanggap ko na
Tanggap ko na, matagal na
Tinanggap ko nang di tayo
ang para sa isa't-isa
Na wala nang TAYO
Kundi IKAW nalang at AKO
ng magkahiwalay
Alam ko masaya kana
Nakita kong masaya kana
Masaya kana sa piling niya
Kaya pinilit kong maging masaya
kasama ng aking mga kaibigan
Ngunit ang pinagkaiba
hindi ako humanap ng iba
upang ipamukha sayong
Ika'y limot ko na
Oo, iba na nga ang mundo mo
At iba na rin ang mundo ko
Pareho na tayong nabubuhay
sa magkabilang mundo
Na kung saan tinanggap ko
Tinanggap kong sa buhay ko'y
wala nang Ikaw at Ako
Pinilit kong ngumiti, kahit sobrang sakit na
Na tumawa, kahit mata ko'y lumuluha na
Pinilit kong ayusin, mundo kong sinira mo na
At muling buuin, puso kong winasak mo na
Pinilit kong bumangong muli
mula sa aking pagkakabagsak
Na muling tumayo mula
sa aking pagkakadapa
At taas noong haharap sayo
para sabihing di ka kawalan
Kaya paalam na, mahal pa rin kita
Ngunit di tayo ang para sa isa't-isa
At tanggap ko nang tayo'y tapos na
Paalam na.
Oo, tanggap ko na
Tanggap ko na, matagal na
Tinanggap ko nang di tayo
ang para sa isa't-isa
Na wala nang TAYO
Kundi IKAW nalang at AKO
ng magkahiwalay
Alam ko masaya kana
Nakita kong masaya kana
Masaya kana sa piling niya
Kaya pinilit kong maging masaya
kasama ng aking mga kaibigan
Ngunit ang pinagkaiba
hindi ako humanap ng iba
upang ipamukha sayong
Ika'y limot ko na
Oo, iba na nga ang mundo mo
At iba na rin ang mundo ko
Pareho na tayong nabubuhay
sa magkabilang mundo
Na kung saan tinanggap ko
Tinanggap kong sa buhay ko'y
wala nang Ikaw at Ako
Pinilit kong ngumiti, kahit sobrang sakit na
Na tumawa, kahit mata ko'y lumuluha na
Pinilit kong ayusin, mundo kong sinira mo na
At muling buuin, puso kong winasak mo na
Pinilit kong bumangong muli
mula sa aking pagkakabagsak
Na muling tumayo mula
sa aking pagkakadapa
At taas noong haharap sayo
para sabihing di ka kawalan
Kaya paalam na, mahal pa rin kita
Ngunit di tayo ang para sa isa't-isa
At tanggap ko nang tayo'y tapos na
Paalam na.
Saturday, September 16, 2017
"Pangakong Naglaho"
Pangako
Isang salita na pinanghawakan ko
Salitang pinaniwalaan ko
At salitang pinagkatiwalaan ko
Ngunit pinang-iwanan ako
dahil binitawan mo at mas
piniling lumayo
Ngunit alam kong tanda mo pa
Noong mga panahong tayo pa
Napakasaya natin at halos di tayo
mapaghiwalay
Mapaghiwalay na kahit sa sandali lamang
Hanap-hanap ay ang bawat isa
Tanda ko pa nga
Mga pangakong sinambit mo
sa aking harapan
habang nakatitig sa aking mga mata
Mga matang puno ng galak
Ngunit sa isang iglap
Naglaho ang lahat
Pangako! Pangako! Pangako!
Salitang inulit-ulit mo sa unahan
kasunod ng mga katagang nagpasaya sa'kin
Ngunit mga katagang sasampal rin sa'kin
sa katotohanang ako'y iiwan mo rin
Pangakong mamahalin mo ng wagas
Pangakong di mo iiwan
Pangakong di mo pababayaan
Pangakong ako lang at wala ng iba
Na tayo na hanggang dulo
Ngunit ako lang pala ang maiiwang
luhaan pagdating sa dulo
Ngunit nasaan ka na nga ba mahal?
Nasan na 'yung mga katagang kaysarap
pakinggan ng paulit-ulit
Mga katagang di basta-basta
malilimutan at lubos kong inasahan
Sabi mo sa'kin mahal mo ko
Na'di mo kayang mawala ako
dahil ikamamatay mo
Pero bakit hanggang ngayon
humihinga ka't nabubuhay pa rin
sa mundong ito
kahit wala na'ko sa buhay mo
Tuluyan mo na nga ba talagang nilimot?
O sadyang kay bilis lang naglaho?
Ang sakit
Napakasakit!
Parang puso ko lang
na pinako sa sobrang sakit!
Puso kong nangungulila pa'rin
Nangungulila sa mga ala-alang
kailanma'y di na mauulit
Ala-alang maaaring balik-balikan
Ngunit hindi na muling mararanasan
Dahil ikaw na mismo ang bumitaw
sa pagmamahalang binuo natin ng magkasama
At sa pangako't mga pangarap nating dalawa
na sana'y isasakatuparan pa natin ng magkasama
Pero sa huli'y nagkanya-kanya
Pangako mo ma'y napako
Pangako mo ma'y naglaho
Ngunit isa lang ang pangako ko
Na sa bawat pangako mo
hinding-hindi na muling magpapaloko
Isang salita na pinanghawakan ko
Salitang pinaniwalaan ko
At salitang pinagkatiwalaan ko
Ngunit pinang-iwanan ako
dahil binitawan mo at mas
piniling lumayo
Ngunit alam kong tanda mo pa
Noong mga panahong tayo pa
Napakasaya natin at halos di tayo
mapaghiwalay
Mapaghiwalay na kahit sa sandali lamang
Hanap-hanap ay ang bawat isa
Tanda ko pa nga
Mga pangakong sinambit mo
sa aking harapan
habang nakatitig sa aking mga mata
Mga matang puno ng galak
Ngunit sa isang iglap
Naglaho ang lahat
Pangako! Pangako! Pangako!
Salitang inulit-ulit mo sa unahan
kasunod ng mga katagang nagpasaya sa'kin
Ngunit mga katagang sasampal rin sa'kin
sa katotohanang ako'y iiwan mo rin
Pangakong mamahalin mo ng wagas
Pangakong di mo iiwan
Pangakong di mo pababayaan
Pangakong ako lang at wala ng iba
Na tayo na hanggang dulo
Ngunit ako lang pala ang maiiwang
luhaan pagdating sa dulo
Ngunit nasaan ka na nga ba mahal?
Nasan na 'yung mga katagang kaysarap
pakinggan ng paulit-ulit
Mga katagang di basta-basta
malilimutan at lubos kong inasahan
Sabi mo sa'kin mahal mo ko
Na'di mo kayang mawala ako
dahil ikamamatay mo
Pero bakit hanggang ngayon
humihinga ka't nabubuhay pa rin
sa mundong ito
kahit wala na'ko sa buhay mo
Tuluyan mo na nga ba talagang nilimot?
O sadyang kay bilis lang naglaho?
Ang sakit
Napakasakit!
Parang puso ko lang
na pinako sa sobrang sakit!
Puso kong nangungulila pa'rin
Nangungulila sa mga ala-alang
kailanma'y di na mauulit
Ala-alang maaaring balik-balikan
Ngunit hindi na muling mararanasan
Dahil ikaw na mismo ang bumitaw
sa pagmamahalang binuo natin ng magkasama
At sa pangako't mga pangarap nating dalawa
na sana'y isasakatuparan pa natin ng magkasama
Pero sa huli'y nagkanya-kanya
Pangako mo ma'y napako
Pangako mo ma'y naglaho
Ngunit isa lang ang pangako ko
Na sa bawat pangako mo
hinding-hindi na muling magpapaloko
Friday, September 15, 2017
"Mother In Heaven"
Death is what I feared the most
Death was the reason of all!
The reason why I can't no longer
be with her
I remember the days when you were
still here
That I could not even wanted
to loose you in my sight
Like your the only one
that my eyes could see
I've always wanted your attention
Always wanted to feel your presence
But now your gone
You left us with much pain
caused by your death
I can't accept the fact
that I can't be with you anymore
I remember those sacrifices
you made for us
Those love, care, attention and hard works
you dedicate both physically and emotionally
for us
You always providing our needs
Our needs that others can't give
with all their heart
I've always thinking about you
day's and night's
Wishing that He could given me a chance
Just one more chance to see you
for the last time
For I can say how much I Love You Mom
That I won't forget you
I won't forget the woman who bore me,
who raised me up
and who love me unconditionally
The woman who showed me how to deal
with life
Who listened and always guided me
And the woman who showed me
the right from wrong
And I'm proud to say
that it was my Mother
Who sacrifice everything for us
until her last breathe
Death was the reason of all!
The reason why I can't no longer
be with her
I remember the days when you were
still here
That I could not even wanted
to loose you in my sight
Like your the only one
that my eyes could see
I've always wanted your attention
Always wanted to feel your presence
But now your gone
You left us with much pain
caused by your death
I can't accept the fact
that I can't be with you anymore
I remember those sacrifices
you made for us
Those love, care, attention and hard works
you dedicate both physically and emotionally
for us
You always providing our needs
Our needs that others can't give
with all their heart
I've always thinking about you
day's and night's
Wishing that He could given me a chance
Just one more chance to see you
for the last time
For I can say how much I Love You Mom
That I won't forget you
I won't forget the woman who bore me,
who raised me up
and who love me unconditionally
The woman who showed me how to deal
with life
Who listened and always guided me
And the woman who showed me
the right from wrong
And I'm proud to say
that it was my Mother
Who sacrifice everything for us
until her last breathe
Subscribe to:
Posts (Atom)